Advertisers
ARESTADO ang 26-anyos na babae nang takbuhan ang mga taong hinikayat nitong mag-invest sa negosyo.
Kinilala ang dinakip na si Reanne Joy Fernandez, dati raw medical representative. Nabawi sa kaniya ang ilang dokumento at P300,000 boodle money.
Ikinasa ang entrapment operation nang ireklamo si Fernandez ng kanyang mga.
Ayon sa isang complainant, nagtayo si Fernandez ng sarili niyang kumpanya na nagsu-supply ng gamot at medical supplies nang matigil bilang medical representative dahil sa pandemic.
Ayon kay Aaron Genove, isa sa investors, P50,000 ang hiningi sa kaniya ni Fernandez at pinangakuan siya ng malaking interes sa loob lamang ng tatlong araw. Pero lumipas ang mga linggo ay walang malaking interes na bumalik sa kanya.
Ani Genove, napag-alaman niya kalaunan na may dati nang rekord ng panloloko si Fernandez.