Advertisers
MAKALIPAS ang halos 12 taon na pagtatago sa batas, naaresto rin ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Sual, Pangasinan.
Kinilala ang most wanted ng Municipal Level ng Sual na si Romel Rabago, nasa hustong gulang at residente ng Palmera, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa report, 11:35 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa visa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 43 RTC Presiding Judge Genoveva Coching Maramba sa kasong 3 counts ng Rape noong 2008. (Thony D. Arcenal)