Advertisers

Advertisers

P400-B para sa Bayanihan 3 isinusulong ni Sen. Recto

0 218

Advertisers

UMAPELA si Senador Ralph Recto na huwag magtipid ang pamahalaan at turukan ng COVID-19 vaccine ang lahat ng Pilipinong may kailangan at may gusto nito.
Ayon kay Recto, hindi na umano baleng sumobra ang bayad ng pamahalaan, basta’t ang mahalaga ay mabigyan ang mga tao ng best available sa market.
Nabatid na may mga inilaang pondo ang gobyerno para sa inaasahang bakuna laban sa COVID-19 na kinabibilangan ng P2.5 bilyon mula sa Department of Health; P70 bilyon mula sa unprogrammed funds (loans) at P10 bilyon mula sa Bayanihan 2.
Sa kabuuan, nasa P82.5 bilyon ang budget para sa bakuna sa 2021.
Sa kabila nito, sinabi ni Recto na kulang parin ito dahil P150 bilyon umano ang kakailanganin para sa mga bakuna, kung kaya’t naghain na siya ng resolusyon para sa Bayanihan 3 o karagdagang P400 milyong budget para sa 2021. (Mylene Alfonso)