Advertisers
NAKAPAGTALA pa ng 1,470 na bagong kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) ngayong Disyembre 17.
Sa ngayon ang kabuuang kaso na ng virus sa bansa ay pumalo na sa 45,447.
Ang mga nakarekober naman ay umabot na sa kabuuang 419,902 dahil sa karagdagang 633 pasyente na gumaling sa sakit.
Habang 17 naman ang nadagdag sa mga pumanaw sanhi upang umabot na sa 8850 ang namamatay sa Covid-19.
Nasa 25,965 naman ang aktibong mga kaso.
Ang Quezon City ngayon ang nanguna sa may naitalang mataas na kasong virus ngayong araw na nasa 74.
Rizal, 64; Makati City, 58; Davao City, 55 at Quezon City, 46. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)