Advertisers

Advertisers

DOLE: 3.8-M manggagawa, higit 550-K OFWs nawalan ng trabaho sa gitna ng covid pandemic

0 218

Advertisers

UMABOT sa 3.8 million local workers at 550,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay DOLE Assistance Secretary Dominique Tutay na ang 3.8 million workers ay binubuo ng mga empleyadong na-retrench, permanently displaced, o nasa ilalim ng “flexible work arrangements,” pati na rin ang mga apektado ng temporary closure ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Sa kabilang dako, hanggang Disyembre 17, sinabi ni DOLE International Labor Affairs Bureau (ILAB) director Alice Visperas na sa 550,000 displaced OFWs sa gitna ng pandemya, humigit kumulang 370,000 rito ang nakauwi na sa kanikanilang probinsya habang 126,000 naman ang naghihintay pa sa kanilang repatriation.
Pahayag pa ni Visperas, 82,000 OFWs naman ang tumangging iwanan ang kanilang host country kahit pa nawalan na ng trabaho.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na aabot na sa mahigit P3 billion ang nagamit na halaga ng DOLE para tulungan ang 658,886 private-sector workers sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Samantala, mahigit 423 workers naman sa informal sector ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE.
Nasa P3.5 billion naman ang naipamigay na sa 350,000 displaced OFWs sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) ng Bayanihan to Heal as One Act. (Josephine Patricio)