Advertisers

Advertisers

Duterte na-highblood uli kay Trillanes

0 317

Advertisers

UMUUSOK ang bibig sa pagmumura ni Pangulong Rody “Digong” laban kay dating Senador Atonio Trillanes matapos ihayag ng huli na malapit nang arestuhin ang pangulo ng International Criminal Court (ICC) dahil sa mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas.

Sa kanyang lingguhang public address, walang prenong inupakan ni Digong ang kinukunsidera niyang “mortal enemy” na Trillanes.

“Itong tao na ‘to, si Trillanes, may statement siya. Trillanes, alam mo, ‘pag nakita ko ‘yang pangalan mo, nakikita ko tae ng aso. Every time I look at you, you’re a shit of a dog,” ngitngit ni Digong. “Mas marunong ka pa. Bakit mo ako takutin na magpreso? If it is my destiny na magpreso ako, eh di magpreso ako.”



Kamakailan kasi, iniulat ng Office of the Prosecutor ng ICC na nakitaan ng “reasonable basis” para kasuhan si Duterte ng “crimes against humanity” dahil sa libu-libo nang nasasawi sa kanyang 4-anyos nang giyera kontra droga sa Pilipinas.

Ayon sa “Report on Preliminary Examination Activities 2020″, noong Pebrero 2018 ay sinimulan ng tanggalan ni ICC Prosecutor, Fatou Bensouda, ang pagsisiyasat sa pagpatay sa mga pinagsususpetsahang adik at protektor ng iligal na droga sa Pilipinas, kabilang na rito ang mga pinatay dahil umano nanlaban nang arestuhin ng mga pulis at pinaslang ng nagpanggap na vigilantees.

Sa ulat ng PNP, higit 5,000 ang nasawi sa kanilang war on drugs. Pero sa datus ng human rights groups, mahigit 20,000 na ang tinodas na may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa ulat ng ICC, sinabi ng dating renegade Navy Captain na Trillanes: “Time for reckoning is near” para kay Duterte at sa kanyang mga kasapakat.

“They have to answer for the thousands of Filipino lives killed during his brutal war on drugs,” tweet ni Trillanes.



“Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure nanginginig na ‘yan sa takot,” kutya Trillanes sa Pangulo.

Umusok ang bibig ng Pangulo sa tiradang ito ni Trillanes: “Mga Filipino, anong ginawa nitong putang inang ito? Sige sabihin mo. Maski mali-mali, ano’ng ginawa ng animal na ito?. Kami may ginawa kami, sige makulong eh di makulong. Ikaw nanalo ka dahil sa backlash sa administration. Tapos akala mo kung sino kang magsalita, as if you are also . . . Ni hindi ka naman summa cum laude,” ngitngt ni Duterte

“Pero alam mo sa totoo lang Trillanes, kung bright ka sa akin, kung mas marunong ka, ikaw na sana nagdadaldal dito, hindi ako. ‘Yan ang totoo,” tirada pa ng Pangulo. “Wala itong nagawa kundi mag-exhibition. Wala itong nagawa kundi manira ng tao.”

Si Trillanes ay naging cum laude sa PMA.

Inakusahan naman ni Digong ang oposisyon ng pamumulitika. Hindi aniya dapat paniwalaan ang mga ito. “‘Wag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang niyan bumalik. Kung maaari lang, ibibigay ko nalang para hindi na sisi-rain ang Filipino. Hindi na tayo masira, ibigay ko nalang. Ito, wala itong ginawa kundi mamulitika.”

Tinuran ni Digong ang oposisyon na nakikipag-ugnayan sa mga komunista.”Nakipag-kuntsaba, pati itong mga komunista nakapasok sa gobyerno. Do you think we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism. Lahat kayo.”

“We are identifying you as communists,” bira ni Duterte sa Makabayan bloc lawmakers. Partikular niyang binanggit si Ba-yan Muna Rep. Carlos Zarate.

Giit ni Digong na ang Makabayan bloc (Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, ACT Teachers) ay mga prente ng CPP-NPA-NDF. Target ng administration na lipulin ang mga ito, kungsaan ay binadyetan ito ng ilang bilyong piso para sa 2021.

Ang Makabayan bloc ay sumuporta kay Duterte noong 2016.