Advertisers

Advertisers

FDA pasok na sa bakuna sa Binondo

0 344

Advertisers

NAG-IIMBESTIGA na in ang mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) sa Manila City Hall upang alamin ang ulat na vaccination activity sa Binondo, Maynila nitong Lunes.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, wala silang nakitang iligal na nagbabakuna sa Binondo.
Ito ay kasunod ng unang iniulat na nagkakaroon na ng pagbabakuna sa Binondo partikular sa bahagi ng Ongpin, na labis namang ikinabahala ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, dahilan para maglabas ito ng kautosan sa Manila Health Department, Bureau of Permits at Manila Police District.
Ayon kay Domingo, sakaling may panibagong aktibidad ng pagbabakuna laban sa Covid-19 na hindi otorisado ng anomang ahensya o ng LGU ay aabisuhan aniya sila ng Manila City government.
Sa panig naman ng DOH, sinabi rin ni Usec Maria Rosario Vergeire na pinaimbestigahan narin nila sa kanilang health department sa Maynila ang nasabing vaccination activity sa lugar. (Jocelyn Domenden)