Advertisers
INARESTO ng Bureau of Immigration- Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang 29-anyos na babaeng South Korean national na ‘wanted’ sa kanyang bansa dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng illegal online gambling websites.
Sa pakikipag-ugnayan sa South Korean authorities at Philippine National Police–Intelligence Group (PNP-IG), nahuli ng BI-FSU si Kim Youngsun sa isang residential area sa Governor Ferrer Drive sa Barangay Buenavista I, General Trias, Cavite.
Ayon kay FSU chief Rendel Ryan Sy, ang operation ay bunga ng request mula sa PNP-IG ng assistance upang matunton si Kim, na may arrest warrant mula sa Incheon District Court sa South Korea na may petsang April 22, 2025, dahil umanon sa pagbubukas at pagpapatakbo ng isang cyber gambling house na paglabag sa South Korean law.
Sa impormasyong nakalap ng BI, si Kim ay sangkot umano sa operation ng 23 illegal online gambling websites sa Pasay City at Quezon City mula pa November 2018. Assistant manager umano siya ng wupport team at nag-supervise din ng ilang operational units ng gambling operation.
Sinabi ni Sy na batay sa estimates, ang sindikato ay nakakalap na ng may 5.33 trillion Korean won (KRW) mula sa iligal na kita sa pamamagitan ng online sports betting at iba pang gambling activities.
Sa BI records, nakita umano na pumasok si Kim sa Pilipinas noong 2025 bilang temporary visitor. Nag-expire ang kanyang pananatili sa bansa kaya’t naging ‘overstaying foreign national’ siya.
Dinala si Kim sa BI para sa booking at documentation at siya ay mananatili sa BI Warden Facility para sa custodial proceedings. (JERRY S. TAN)