Advertisers
Hindi lamang sa loob ng silid-aralan nasusukat ang pag-unlad ng edukasyon. Kailangan ding tiyakin na may sapat na kagamitan, aklat at ligtas na kapaligiran ang bawat paaralan.
Ito ang direksyong tinatahak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na pagpapalakas ng suporta para sa mga pampublikong paaralan.
Mahalagang hakbang ang pagbibigay ng mga office supplies at furniture sa mga paaralang nangangailangan nito upang maging mas maayos ang kanilang pang-araw-araw na operasyon.
Ilan sa mga paaralang nakatanggap ng kagamitan ay ang San Vicente Elementary School at Doña Justa Guido Memorial School sa Angono, Rizal.
Nakatanggap din ng supplies at furniture ang Pag-asa National High School sa Binangonan at St. Anthony Elementary School Annex sa Cainta.
Maaaring maliit itong tingnan kumpara sa malalaking proyekto ng pamahalaan, ngunit malaking bagay ang bawat kagamitang nakatutulong sa mga guro at school personnel.
Mas kapansin-pansin din ang iniulat na 100 porsiyento nang nakumpleto ng Department of Education (DepEd) ang procurement ng 105 target textbook titles para sa basic education.
Ang pagkumpleto sa mga aklat ay mahalagang hakbang upang matiyak na may sapat na learning resources ang mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya.
Hindi rin dapat kaligtaan ang seguridad ng mga estudyante, lalo na sa harap ng mga bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad na maaaring makagambala sa klase.
Kaya mahalaga ang nationwide rollout ng Learning Institution Geohazard Tracking and Assessment for Safety Plus (LIGTAS+) platform.
Sa paggamit ng artificial intelligence, satellite imagery at geospatial analytics, mas magkakaroon ng makabagong paraan ang mga opisyal ng edukasyon upang matukoy ang panganib sa mga paaralan.
Makatutulong ang ganitong Sistema upang maging mas maagap ang pamahalaan sa pagprotekta sa mga estudyante at mabawasan ang learning loss dulot ng mga kalamidad.
Aba’y ipinapakita nito na ang reporma sa edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng gusali o pamamahagi ng kagamitan, kasama rito ang paggamit ng teknolohiya upang gawing mas ligtas at mas handa ang buong education system.
Sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Marcos, malinaw ang mensahe na ang bawat batang Pilipino ay dapat mabigyan ng pagkakataong matuto sa paaralang may sapat na kagamitan, maayos na learning resources at ligtas na kapaligiran.
Mahalagang puhunan ang mga hakbang na ito para sa mas matatag na edukasyon at mas magandang kinabukasan ng kabataan.
***
Catch Gilbert Perdez on “TODO BALITA” every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM on DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23, and on “BRGY. 882” from 7:00 AM to 8:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ 882 AM, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and inquiries, you may contact him by email at gil.playwright@gmail.com.