Advertisers
Sa Estados Unidos popular na fastfood chain ito.
Gamit din ang termino sa kung sino ang sikat pwede rin kung kasali o hindi sa isang koponan o liga.
Umpisahan natin sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Qualifiers na ginaganap sa Maynila ngayon. Out si naturalized Pinoy na si Justine Brownlee dahil may injury pa rin at kasalukuyang nagpapahinga sa California. Sana sa Asian Games sa Setyembre ay naka-recover na ang Ginebra import.
Olat si Alex Eala vs Iva Jovic pero in pa rin siya US Open dahil exhibition match lang yon.
Out na si Jonathan Kuminga sa Lakers kasi in na siya sa Timberwolves. Ilang buwan ding inasam ng purple and gold ang 23 años na power forward pero nabigo sila. Ang nagwagi ay ang Minnesota na tumatag ang starting unit sa pagkasungkit sa Congolese.
Out na si Fabio Menta bilang coach ng UP women’s volleyball squad, in si Benson Bocboc.
bilang kahalili. Retirado na si Menta samantalang nagbabalik sa koponan si Bocboc.
***
Marahil dumaan sa pahina nyo ang mga highlight reel ni Emmanuel Calo, ang nakakaaliw na basketbolista mula Cebu.
Ang tinaguriang reyna ng panalay o mga ligang labas ay mahusay mang-entertain ng crowd sa mga venue. Umaastang bading pero magaling ring manlalaro.
Ang totoo may asawa at anak siya.
Gimik lang pagkaakla niya.
Nagsimula pala ang mga antic niya nang niyakap ang artistang si Xian Lim sa loob ng playing court. Nagustuhan yon ng mga tao kaya ipinagpatuloy na niya yon.
Nasa 1.2 na milyon na ang followers niya sa Facebook.
” Nagpapasalamat po ako na umabot na tayo sa ganitong bilang,” wika ng 37 taon na si Calo sa pahayag.
Mapapanood siya sa mga video clip na nakikipagkengkoyan sa audience. Komedyante talaga eh.
Isa sa signature move niya ang ala-Darnang lay up. Dalawang kamay ang gamit at may kembot pa pagkatapos. Sa depensa naman ay tatalon at papalakpak siya sa harap ng tumitira. Hayun distracted ang shooter.
Minsan sumayaw ng Hawak Mo Ang Beat kasama ang isang bata. Hiyawan mga tao. Enjoy kasi sila. May mga pagkakataon ding hinahalikan ang mga kakampi pagkatapos makabuslo. May time ding kunwari hihipuan ang kalaban sa maselang bahagi ng katawan. All for dun.
Produkto si Emman ng University of Visayas. Napunta rin siya sa PBA D-League, PSL at MPBL.
Nagpa-draft sa PBA taong 2018 pero di nabigyan ng pagkakataon.
Ngayon mumero 19 siya ng WB at Sofia team.
Sa huling game niya sa Kadayawan Festival sa Davao ay siya pa tinanghal ng Best Player na may 17 points, 3 rebounds at 3 assists.