Advertisers
PAANO natin pagkakatiwalaan at iboboto para presidente sa 2028 si Vice President Sara Duterte-Carpio eh halos wala pala itong alam sa mga nangyayari sa kanyang sarili at pamilya? Parang sinto-sinto!!!
Oo! dito sa ongoing Impeachment Trial sa Senado laban kay Sara, napakaraming katiwalian ang nabunyag, may mga opisyal na resibo mula sa concerned government agencies, pero wala raw siyang alam dito.
Halimbawa: Wala raw siyang alam sa joint account nila ng kanyang amang si ex-President Digong. Eh may mga pinirmahan siyang dokumento sa pagbukas ng naturang account.
Wala raw siyang alam kung anong mga nakalagay sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) niya.
Wala siyang alam sa mga negosyo niya na malaki na ang kita kahit walang income tax.
Wala siyang alam na ang negosyo ng asawa niyang si Atty. Mans Carpio na banana chips na
walang pabrika, walang raw materials, 2 lang empleyado pero daang milyones ang kita at nag-i-import pa!
Wala siyang alam sa tinanggap niyang male-maletang pera, sabi ni Rodulfo Gracioso na dating head security ni ex-House Speaker Lord Velasco na ka-close ni Sara.
Wala siyang alam sa mansion na nasa loob ng kanyang property na may dalawang swimming pool sa Samal.
Tapos kapag nagsalita, walang ka-sense sense ang mga sinasabi. Ewan!
Ang ganitong klaseng tao na walang alam sa mga nangyayari sa loob ng bakuran at sa paligid niya, ano ang tawag sa kanya? Ulyanin? Mangmang? Tanga? Loka-loka? Sinto-sinto? Ewan!
Sabi nga ng batikang journalist na si Ramon Tulfo, “kawawa ang Pilipinas kapag si Sara ang naging presidente”. Mismo!
Maging ang kanyang ama, si Digong, mismo ay nagsabi na hindi mabuti maging presidente si Sara. Delikado raw ito. Kaya nga si Bong Go ang itinutulak n’ya noon kumandidatong pangulo, eh biglang nag-file ng candidacy bilang VP ni Bongbong Marcos si Sara kaya nagwidro si Bong Go.
Anyway, malabo nang maging pangulo itong si Sara at makahawak pa ng anumang posisyon sa gobiyerno. Bakit?
Mai-impeach siya!
Kung si Baste naman ang isulong ng mga DDS sa 2028, sus! Eh mukhang drug adik ‘yun.
Gugustuhin mo bang ang presidente ng Pilipinas at puros tattoo ang katawan pati leeg, may hikaw ang labi at ilong? Pagtatawanan tayo ng ibang mga bansa.
At kung si Pulong naman ang isasalya ng mga DDS, sabi ni Digong noon: “Si Pulong tambay ‘yun sa pier binabanta-yan ang mga kargamento niya.”
Kulang nalang sabihin ni Digong smuggler si Pulong. Hehehe…
Pero kung naalala n’yo ang nahuling shabu na bilyones ang halaga sa loob ng iron lifter sa pier sa Maynila, tropa ni Pulong na Chinese nationals ang mga nasa likod noon, ayon sa imbestigasyon.
Base sa mga resulta ng imbestigasyon na makikita n’yo naman sa Google, masasabi nating mahirap nang ipagkatiwala pa sa isang Duterte ang Pilipinas. Mismo!