Advertisers

Advertisers

11 KATAO SA P3.5B SHABU SA LAOS TINUKOY NG DILG

0 20

Advertisers

PINANGALANAN ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes ang 11 “persons of interest” na may kaugnayan sa bil-yon-bilyong pisong halaga ng droga na ililipad sana sa Pilipinas pero naharang ng mga otoridad sa Laos.
Sangkot ang ilan sa mga indibidwal sa pag-aayos at pagpondo ng flight na magdadala sana ng mga droga sa Maynila, ani Remulla.
Kinilala ang mga POIs na sina Fahad Mulok Dibarosan, Rioklyn Pizaras Toledo alyas Boyet, PEMS Aileen Jayne Manalo Mendoza, Abdullah Rimbang Macarimbang, Aldren Nadal Samante, Rudy Isidro, Abdulkarim K. Macalatas, Christian Fabrigas, Edriezan Hadji Nasser Rimbang, Rohanah E Rimbang, at Hilario B. De Vera alyas Larry.
Tiniyak naman ng National Bureau of Investigation (NBI) na mananagot ang pasimuno at mga kasabwat sa pagtatangkang pagpasok ng kargamento ng ilegal na droga sa Pilipinas.
Ayon sa PDEA, kilala na nila ang dalawang Pilipinong nasa likod ng pagpuslit ng P3.5B halaga ng shabu gamit ang isang inarkilang private jet.
Kasalukuyang sinusuri ng mga awtoridad ang naarestong si alyas Fahad na sinasabing may kaugnayan sa isang drug syndicate sa Davao.
Napag-alaman rin na ang kasabwat nitong si alyas Bo-yet ang mismong nag-arkila sa eroplano at nagbayad gamit ang bank transfer na kasalukuyang nakatakas na patungong Hong Kong bago ang nangyaring operasyon.