Advertisers
Matagumpay na naisagawa ang One-Day Crime Scene First Responder Seminar sa SPD Multi-Purpose Hall, SPD Headquarters, Taguig City, noong Oktubre 14, 2026.
Nilalayon ng seminar na pahusayin ang kaalaman at kakayahan ng mga tauhan ng pulisya sa pagtugon sa mga pinangyarihan ng krimen, bigyang-diin ang proper scene assessment, pangangalaga ng physical evidence, documentation, at ang pagsunod sa mga itinakdang pamamaraan upang matiyak ang integridad para sa imbestigasyon at pag-uusig.
Dinaluhan ni Police Brigader General RODEL A PASTOR, District Director ng SPD, kasama si Police Colonel ROBERT R BAESA , Deputy District Director for Operations, ang aktibidad at nagpahayag nang pasasalamat kay Police Lieutenant Colonel RENDIELYN L SAHAGUN, Chief ng Southern Police District Forensic Unit, at Police Senior Master Sergeant Christine A Miranda, SPDFU para sa kanilang napakahalagang suporta at sa pagbabahagi ng kanilang technical expertise sa seminar. Ang kanilang mga kontribusyon ay nakatulong upang mapalakas ang pag-unawa ng mga participants sa mga critical responsibilities ng mga first responder sa pag-secure at pamamahala ng mga pinangyarihan ng krimen.
Binigyang-diin ni PBGEN PASTOR ang kahalagahan ng patuloy na training and professional development upang matiyak na ang mga tauhan ng pulisya ay competent, systematic, at tumutugon sa paghawak ng crime incidents.
Binigyang-diin niya na ang wastong pamamahala sa pinangyarihan ng krimen ay mahalaga sa pagpapanatili ng ebidensya, pagsuporta sa epektibong mga imbestigasyon, at pagtataguyod ng integridad ng mga operasyon ng pagpapatupad ng batas. (JOJO SADIWA)