Advertisers
Ni Anne Venancio
Second chance at love, pero this time, mas mature at mas handa na! Muling nagkabalikan sina Katrina Halili at Kris Lawrence matapos ang 12 taong paghihiwalay, at ngayon, unti-unti nilang binubuo ang kanilang future together.
Aminado si Katrina na masaya sila ngayon at nagtutulungan para sa kanilang anak na si Katie, 14, gayundin sa kanilang personal na pangangailangan.
Inamin din ng aktres na bumili na sila ni Kris ng lupa bilang investment.
Pagdating sa kasal, hindi muna nila minamadali ang susunod na chapter ng kanilang love story. May vision na si Kris para sa kanilang relasyon, pero mas gusto niyang patunayan ito sa pamamagitan ng gawa kaysa salita.
Para sa singer, mahalagang alam niya ang kanyang responsibilidad bilang padre de pamilya.
Samantala, binigyang-diin ni Katrina ang kahalagahan ng communication, pagtutulungan, at pag-iipon para sa future ni Katie.
Sa kanilang second chance at love, mukhang mas pinipili nilang patibayin muna ang pundasyon ng kanilang relasyon bago ang susunod na malaking hakbang.