Advertisers
Ni Beth Gelena
Isang masakit na karanasan ang nagtulak kay Cassy Legaspi na tuluyang putulin ang ugnayan sa isang kaibigan matapos siyang maospital habang nasa ibang bansa.
Sa kanyang pag-guest sa bagong season ng Gandang Gabi Vice, ikinuwento ng Kapuso actress ang insidenteng naging dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.
Sa segment na “Deep Truth,” ibinahagi ni Cassy na nawalan siya ng malay dahil sa stress at init habang nasa abroad na nauwi sa kanyang pagkakaospital.
Sa halip na alagaan daw siya sa oras na kailangan niya ng tulong, hindi umano siya inasikaso ng kaibigan na kasama niyang nagbiyahe.
Aniya: “Nahimatay ako sa stress and heat.”
“So ibig sabihin, kayong magkasamang umalis. Tapos noong may nangyari sa iyo, hindi ka inaalagaan? Bakit daw?” pagkaklaro ni Vice.
” Hindi. Hindi ko rin alam,” sagot ni Cassy.
Nang malaman daw ng kanyang ama na si Zoren Legaspi ang nangyari sa anak, agad itong nag-book ng flight upang puntahan at samahan si Cassy.
Esplika ng aktor, the trip was among the first occasions when they had allowed Cassy to travel independently, despite their initial reservations as parents.
“Nalaman namin na-ospital, walang nag-aalaga sa kanya dahil solo flight, e. Isa sa mga first time na pinayagan (namin) kahit ayaw namin.”
Nang dumating daw ang aktor sa hospital ay wala roon ang kaibigan ng anak.
According to him, the friend had already left after deciding that she no longer wanted to see the actress. “Pinauwi niya dahil ayaw niya nang makita.”
Pagkatapos ng insidente, pinili ni Cassy na huwag nang ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa dating kaibigan.
Sa halip na palalimin pa ang kanilang alitan, nagdesisyon siyang i-unfriend ito at tuluyang tapusin ang ang kanilang pagkakaibigan.
Hindi naman binanggit ng young actress kung isa ring female celebrity ang kaibigan.