Advertisers

Advertisers

ANG TIWALANG IBINIGAY

0 32

Advertisers

Sa pagtatapos sa karera sa paghahanap buhay ng retiradong kawani ng pamahalaan, nag-isip na maghanda para sa higit na pagtanda sa kinabukasan. Sa pagtitiyak ng patutunguhan ng salaping nakuha sa pagreretiro, naibigan ng kaibigan na ilagak ang salapi sa tiyak na kaayusan o ‘di magagalaw na pamumuhunan. Inilagay ng kaibigan na pangalanan natin na si Corazon Resoso ang salaping napagretiruhan sa may katiyakan na pamumuhunan. Sa pag-iisip, nabuksan sa social media ang isang Insurance Corp. na MANULIFE ang ngalan. Nagtanong, nakipag-usap at ‘di nagtagal, sumang-ayon sa isang pamumuhunan ang salaping nakuha sa pagreretiro. Sa taong Hunyo 2015, tuluyang pumasok si Corazon Resoso sa pamumuhunan sa MANULIFE sa halagang P1.0M at tiniyak ng korporasyon na tama ang hakbang at sa dulo ng panahon sa pamumuhunan, garantisado na ‘di mababawasan ang salaping nilagak.

Bago ganap na magpalawig, silip na ang pinasukan na pamumuhunan ni Aling Corazon ay ‘di purong pamumuhunan sa halip may kalakip na siguro sa pagkakataon na may maganap sa buhay ng nagsiguro. Ang pagtitiyak kay Aling Corazon na ‘di magagalaw o mababawasan ang halaga ng pamumuhunan ang pinanghawakan ng matanda at sa paglipas ng dalawang taon, sa taong Sept 18, 2017, nagdagdag ang matanda ng isa pang P1.0M sa MANULIFE. Tumakbo na ang panahon at patuloy na walang galaw ang pamumuhunan sa MANULIFE. Walang naganap na ano mang salang balita sa pamumuhunan ng matanda at patuloy na hinawakan ang pangako ng kausap na ‘di mababawasan ang pamumuhunan sa banggit na korporasyon.

Ang magandang ngalan ng MANULIFE sa larangan ng pagsisiguro ang katiyakan na ‘di mapapariwara ang katiting na salaping inilalagak ng mga namumuhunan sa korporasyon. Sa pinanggalingan bansa na Toronto Canada, hindi sumagi sa isip ni Aling Corazon na mapapariwara ang salaping pinaghirapan sa mahabang panahon sa serbisyo’y na inilagak sa korporasyon. At sa totoo lang, ang MANULIFE ang isa sa mga korporasyon na mataas ang kalidad sa paghawak ng salapi. Karagdagan, ang galing ng mga lokal na katuwang tulad ng China Bank ang ganap na nagpatatag sa galaw ng pagsisiguro.Walang bahid na magkakaroon ng usaping negatibo ang mga nilagak na salapi ni Aling Corazon para sa kasiguruhan sa pagtanda.



Dumaan ang panahon ang ilang taon na tila nawala sa isip ni Aling Corazon ang salaping ipinasok sa MANULIFE sa kaayusan ng kagalingan ng korporasyon. Sa panahon na nagninilay ang matanda, sumagi sa isip ang kaperahan at ‘di nagtagal nakatanggap ang Ale ng sipi hinggil sa banggit na pamumuhunan sa MANULIFE. Sa paglipas ng labing isa at siyam na taon na walang negatibong usapin, heto dumulog ang kabigan at ipinabatid na ang salaping inilagak sa MANULIFE na P1.0 at isa pang P1.0M o P2.0M ay buamaba ang halaga. Banggit ang 11 at 9 na taon, pumasok sa isip ni Aling Corazon na bakit bumaba ang halaga ng salaping inilagak gayung napakinabangan ng maraming taon na hinawakan ng banggit na korporasyon. Sa totoo lang, habang binabanggit ng matanda ang pagliit o pagbagsak ng halaga ng pamumuhunan, ‘di mapigil ang panginginig sa kamay at boses ni Aling Cora.

Sa kaganapan, hindi mawala ang pag-aalala sa matanda at baka may masamang maganap na magdudulot ng salang kaganapan. Ang luhang dumadaloy sa matanda’y ‘di mawari na bumabagabag sa loob dahil dama ang pinagdaan na hirap upang maipon ang halagang banggit. Sa totoo lang, sa mga senior citizen at mga retirado malaki at mahalaga ang halagang banggit higit sa pantustos sa mga bilihin na kailangan sa pagpapanatili ng kalusugan. Sa pagkatanggap ng abiso o liham mula sa tanggapan ng MANULIFE na bumaba ang halaga ng ipinasok na salapi, pagkatakot ang nadama at baka na may maganap na ‘di kanais nais sa kaibigan. Kasunod na nadama ang naglahong pagtitiwala sa MANULIFE na itinaya ng matanda ang pinaghirapang salapi na labis ang pagliit sa halip na kumita habang nasa kanilang kagalingan.



Sa natanggap na abiso mula sa MANULIFE sa buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon, ang halagang P1.0M na unang pamumuhunan ay bumaba sa P700K o bumaba ng P300K ang halaga. Samantala sa ikalawang P1.0M na pamumuhunan, ang nalalabing halaga’y P675K. Sa totoo lang, walang masilip na dahilan na bumaba ang halaga gayung silip na matatag ang kaayusan sa pananalapi ang korporasyon. Tanong sa isip pumasok kay Aling Corazon, ang kagalingan ba ng mga kawani ng MANULIFE ang rason sa pagbulusok ng salaping pinaghirapan? Walang pagtutuon ngunit ganap na lumisan ang paghanga’t pagtitiwala sa dating tinitingala sa kahusayan sa pangangalaga ng salapi ng mga parokyano, sa korporasyon.

Sa totoo lang, hindi ibig alisin ni Aling Corazon ang nalalabing salapi ngunit nagdadalawang puso na ganap na mauubos ang nalalabing halaga sa naglahong kagalingan ng korporasyon. Walang ibang ibig kung hindi ang maibalik ang tunay na halagang inilagak sa una na pinakinabangan na ng korporasyon sa mahabang panahon. Sa totoo lang, ang halagang banggit kung inilagay sa bangko na “time deposit”, malamang na kumita ng tama na pakabila sa naganap na gawa ng MANULIFE. Ang tiwalang nawala ang ganap na nakakasira sa kaayusan ng MANULIFE. Higit, nagmula sa karaniwang tao na pinaghirapan ang banggit na halaga na pinagkatiwala na dapat pinalitan ng serbisyong tapat na walang katapat. Ang alagang naipon ng isang kawani o ng isang parokyano ang dapat na inaalagaan ng ganap ng korporasyong pinagkatiwalaan.



Sa pagtitiwalang ibinigay ng parokyano, kaayusan ang inaasahan sa negosyong nag-aalok ng serbisyo. Walang labis at walang kulang ang inaasahan ng bawat parokyano na pumasok at nagtiwala sa negosyong lumapit at nag-alok. Walang puwang ang pagmamalabis higit sa salaping inilagak ng taong nagtiwala sa negosyong ganap ang kahusayan sa serbisyo. Hindi inaalis na may ilang bugok sa bawat lugar na ginagalawan ngunit ang mapanatili ang tiwala higit ng mga parokyanong galing sa dugo at pawis ang salaping ipinagkatiwala. Ang tapat na serbisyo ang sukling dapat ilaan higit mahaba ang panahon ng pagkakaroon ng ugnayan. Ang tiwalang ibinigay, kabutihan at kagalingan ng mga parokyano ang dapat unahin. Dahil sa huli, ang korporasyon o ang MANULIFE ang magiging bukang bibig ng tao o parokyano na nakaranas ng kabutihan. Muli, suklian ng kabutihan at katapatan ang parokyanong tumaya ng halagang pinaghirapan.

Maraming salamat po!!!!