Advertisers

Advertisers

POLITIKO MULA MINDANAO ‘UTAK’ NG P3.5B SHABU NASABAT SA LAOS – PDEA

0 36

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang “politician” mula sa South nanggaling ang perang ibinayad sa “charter flight” ng private plane na kungsaan isang Filipino ang inaresto bilang drug courier sa airport sa Laos.
Ayon kay PDEA spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, “‘Yung financier nitong drug deal natukoy na natin at itong tao ay politiko based in the south, taga Mindanao itong politiko na tinutukoy natin. Sa kanya nanggaling ‘yung pambayad doon sa eroplanong chinarter.”
“We already validated na siya yung nagbigay ng pambayad to charter the flight. As to the amount, hindi na muna siguro, somewhere in Mindanao,” dagdag ni Calulut.
Aniya pa, “Hindi ko specifically sasabihin na ngayon lang lumutang pero there were reports na meron involvement ‘yung pamilya, basta sa Mindanao. Kapag binigay natin ang region madali mo na matukoy yan. Kapag negosyo mo ‘yan lahat naman ng lakas ng loob meron sa iyo.”
“Kung magkano?, hindi muna sasabihin pero siyempre ang nabayad doon is $49,500 dollars. Hindi lang naman ‘yan ang inilabas ng politiko na ito,” pahayag ni Calulut.
Sinabi ni Calulut: “Nung maaresto si Dibaroson Fahad nagbuo tayo ng task group kasama natin ang PNP and other agencies na kungsaan ating natumbok ‘yung mga transactions na ginagawa nila, yung bank transfer doon sa task group na ito, dito natin nakuha kung sino-sino mga kasabwat nila. So hindi lang yung dalawa na sinabi dati ‘yung si alias Boyet at si alias Fahad na nakuha rin natin ‘yung ibang mga kasama nila.”
Isinaad ni Calulut na “‘yung mga kasamahan nila doon sa grupo sa syndicate nila yung mga iba diyan, nasa monitor naman natin kaya dito natin naipag-connect ang mga taong ito. Sila sila rin yan.”
“Lahat iniimbestigahan natin yung contacts nito. Si-guro in a few days from now meron kakasuhan and we are looking at filing a case for violation of RA 9165 particularly Sec. 5, yung trading. Sa trading kasi hindi necessary na hawak hawak mo yung droga as long as they transacted illegal drugs through the use of electronic devices pasok yan sa trading,” paliwanag ni Calulut. (MARK OBLEADA)