Advertisers

Advertisers

Ebidensya vs denial

0 25

Advertisers

AS expected!!! dinenay ni Vice President Sara Duterte-Carpio na kanya ang mansion/resort sa Samal na ibinunyag ni NBI Director Melvin Matibag.

“Hindi sa akin yun!,” giit ng Bise Presidente. “Nakakabahala dahil sila sweldado ng pamahalaan, by taxpayers’ money, at hindi natin nakikita na ginagamit na nila ng maayos ‘yung resources sa National Bureau of Investigation. Kasi meron siyang mga ipinakitang mga photos… na sinasabi niya na mga properties na sa akin, pero hindi naman sa akin.”

Nakalimutan yata ni Sara na sweldado rin siya ng pamahalaan. Lahat ng ginagastos niya sa Office of the Vice President ay taxpayers’ money din, ‘di pa kabilang ang kontrobersiyal niyang multi-million intel at confi funds, na isa sa mga rason ng pagkaroon ng impeachment laban sa kanya.



Sagot ni Matibag sa denial ni Sara sa naturang resort/mansion: Ang ebidensya, malinaw… puntahan natin ‘yung property na binabanggit, base ro’n sa SALN, sa coordinates na nakalagay. Malinaw ‘yon, ito ‘yan sa Bgy. Catigan. Item number 6 at number 7, nag-declare as agricultural land, nasa SALN.”

Mahirap itanggi ang may resibo. Pero ayaw parin aminin ni Inday.



Ano kaya kung hingan ng waiver si Inday na kung hindi nga sa kanya ang naturang resort/mansion na umano’y nasa P60 million ang halaga ay kunin nalang ng gobierno. Puede. Gawin mo nga, Director Matibag!

***



Sinabi ng forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera na ang unexplained wealth ni VP Sara ay nasa P1.5 billion, halos doble sa kanyang initial estimate na P817.87 million, kung kasama ang P475 million sa confidential funds at ang adopted less conservative assessments ng kinukuwestyong transaksyon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at GenCorp Industres Inc.

So, hindi pala totoo na simple lang ang buhay ni Sara. Bilyonarya pala siya.

Base sa mga lumabas na dokumento sa Impeachment Trial, nakamit ni Sara ang kanyang bilyones simula nang maging Vice Mayor tapos naging Mayor ng dalawang termino ng Davao City, at maging Bise Presidente ng bansa.

Ang mga pagkain pala niya sa karenderya ay pakitang-tao lang ‘yon para sabihin simpleng tao lang siya, walang yaman. Pero sa katotohanan, bilyonarya pala si Sara. Mismo!

***

Walang history na nakapasok na ng bansa ang eroplanong magdadala sana ng iligal na droga (shabu) mula Laos papuntang Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa imbestigasyonng CAAP, ang Learjet 55 na may US registration N73GP ay nag-aplay ng flight permit Setyembre 24, 2026 para sa biyaheng Laos-Pilipinas-Malaysia.

Ngunit tatlong beses binago ang arrival date sa Pilipinas, at noong Oktubre 1 na sana ito darating nang naharang doon mismo sa Laos.

Nangyari ito nang tumanggi ang piloto ng eroplano na lumipad dahil sobra ang bigat ng kanilang kargamento, 23 maleta na puno ng shabu. Dito na pumasok ang mga otoridad ng Laos hanggang nadiskubreng shabu ang laman ng mga maleta.

Dalawang Pinoy ang sangkot sa drug smuggling na ito, ayon sa imbestigasyon. Sina “Boyet” at Dibaroson Fajad na taga-Mindanao.

Si Boyet daw ang nag-hire sa eroplano, habang si Fajad ang courier.

Nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon. Subaybayan!