Advertisers

Advertisers

MAYNILA, ‘MOST COMPETITIVE’ CITY IN THE COUNTRY – ISKO

Humakot ng awards sa 8th Regional Competitiveness Summit:

0 261

Advertisers

MULING humakot ng mga karangalan at pagkilala ang Lungsod ng Maynila at naiuwi ang ‘Most Competitive City’ sa buong bansa.

Dahil dito ay pinuri at pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga kawani ng lungsod at kapwa niya opisyal na naging instrumento sa mga pagkilala at karangalan na hinakot ng kabisera ng bansa sa katatapos na Department of Trade and Industry’s 8th Regional Competitiveness Summit.

Bukod sa karangalang ‘Overall Competitiveness Award para sa Highly- Urbanized Cities,’ kinilala rin ang Maynila bilang ‘ Most Competitive in Infrastructure Award in Highly-Urbanized Cities’ at ‘Most Competitive in Government Efficiency Award for Highly- Urbanized Cities.’



Ang lokal na pamahalaan ng lungsod ay nakopo rin ang ikatlong puwesto sa mga sumusunod na kategorya: Most Competitive in Resiliency for Highly Urbanized Cities at Most Competitive in Government Efficiency.

Ayon kay Moreno, ang laging nasa isip niya at ng kanyang kapwa opisyal ay ang interes at kapakanan ng mamamayan at ito ay sa pamamagitan ng mga programa, plano at eskema para sa mas mahusay na probisyon at serbisyo.

Ang pagkakamit ng mga karangalan, ayon pa kay Moreno ay isang bonus na lamang dahil ang pagkilala ay ibinibigay niya sa mga kawani ng lungsod na sumusuporta sa kanya at sa kanyang pagsisikap na makabangon ang Maynila matapos ang ilang taong pagpapabaya.

“Pasasalamat una sa Diyos, pangalawa sa mga empleyado ng pamahalaang-Maynila at pangatlo, sa DTI” mapagkumbabang pahayag ni Moreno, na idinagdag din na magsisilbing inspirasyon sa pamahalaang lokal ang nasabing karangalan upang higit pang magsikap na maibigay ang pinakamahusay na serbisyo sa mga residente ng Maynila na nauukol sa mga ito.

Bukod pa sa overall competitiveness award para sa highly-urbanized cities, dalawang karangalan pa ang nasungkit ng Maynila at ito ay Top 3 Most Competitive in Economic Dynamism at Top 3 Most Competitive in Resiliency, ito ay sa parehong kategorya ng highly-urbanized cities.



Ang mga karangalan na ibinibigay sa Regional Competitiveness Summit ay base sa Competitiveness Index ng mga lungsod at munisipalidad. Ang mga index ang siyang bumubuo ng annual ranking ng competitiveness ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa.

Ang gabay sa pagsukat ng competitiveness ng lungsod at munisipalidad ay mayroong apat na indicators, ito ay ang mga sumusunod: economic dynamism, o mga gawain na lumilikha ng hanapbuhay at negosyo o kalakal sa lungsod; government efficiency o kalidad ng serbisyo at pagiging maaasahan ng local government unit; infrastructure, o pisikal na pag-unlad ng lungsod at ang katatagan nito o ang kakayahan ng lungsod na magkaroon ng progreso sa kabila ng pagkakaroon ng trahedya.

Sa pamamagitan ng virtual platform, ang summit ay dinaluhan ng mga local mula sa buong Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Lungsod ng Maynila ay humakot ng napakaraming karangalan. (ANDI GARCIA)