Advertisers

Advertisers

3 timbog sa P1.3m shabu sa Caloocan

0 250

Advertisers

ARESTADO ang tatlo katao nang makumpiskahan ng mahigit sa P1.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon kay Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr., 2:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa 1036 St., Barangay 33, May Pajo.
Nakabili ang mga otoridad kina Venancia Malonzo alyas “Madam”, 60, (watch listed); at Mark Adao, 37, ng P40,000 halaga ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang sa 180 gramo ng shabu na tinatayang nasa P1,224,000.00 ang halaga.
Alas-9:00 Huwebes ng gabi nang masakote naman ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Phase 1, Package 3, Block 38, Lot 9, Brgy. 176 si Teodoro Capate, 44.
Nakuha kay Capate ang aabot sa 15 gramo ng shabu na tinatayang nasa P102,000.00 ang halaga at buy-bust money.(Beth Samson)