Advertisers
TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health sa mga taga-Cebu na kasama sa prayoridad ang Cebu city, Mandaue at Lapu-Lapu sa oras na maging available na ang bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Go na palagi niyang sinasabi sa gobyerno na unahin ang mga mahihirap, ang mga walan pambili, walang access at mahalaga aniya ay ang accessibility, affordability at availability ng bakuna
Ayon kay Go, uunahin din dapat ang mga frontliners para makatiyak na makakabalik sa normal ang pamumuhay.
Kasama rin aniya sa mga uunahin ang vulnerable senior citizens, indigent patients, mga guro, frontliner police at mga sundalo. (Mylene Alfonso)