Advertisers
TODAS ang isang miyembro ng isang sindikato at team lider ng Abu Sayyaf nang manlaban sa mga otoridad na maghahain ng warrant of arrest laban sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang napatay na si Ibrahim Anduhol alyas Tongtong ng Upper Pangi, Ipil.
Ayon sa ulat, 2:35 ng madaling nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng PNP AKG Mindanao Field Unit ,55th Special Action Company-SAF, 44th Infantry Battalion, Regional Drug Enforcement Unit 9 sa Upper Pangi.
Aktibong miyembro ang suspek ng sindikato sa ilalim ng pamumuno ni Barahama Ali na nag-o-operate sa Zamboanga Sibugay at kasalukuyang team lider ng special operating unit ng Abu Sayyaf Group sub leader Rakib Abdurakman ng Abdussalam Group.
Itinuturing si Anduhol na no. 4 Most Wanted Person sa Zamboanga Sibugay ng PNP PRO9.
Sangkot din ang suspek at kanyang grupo sa pagpatay sa kay SSGT Juan Ablao ng Philipine Army, robbery kidnapping, Sarabia KFRC sa Zamboanga Sibugay, Alejandro Bation KFRC sa Kabasslan, Zamboanga Sibugay noong 2018, at pagpatay kay Pat Arthur Decena nitong Dec 6, 2020 sa Ipil City.(Mark Obleada)