Advertisers
TAHASANG sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na gagawin nito ang lahat upang makulong si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang termino sa 2022.
Sagot ito ng senador matapos ang naging pahayag ng pangulo sa kanyang public address kung saan nanindigan ito na hindi siya natatakot na makulong.
Ayon kay Trillanes, alam mismo ni Duterte na wala na siyang lusot sa International Criminal Court (ICC) matapos sinabi ng isang prosecutor na nakakita sila ng sapat na basehan na may crimes against humanity sa war on drugs ng pangulo.
Matatandaan na si Trillanes at si dating Magdalo Party-List Representative Gary Alejano ang nagsampa ng kaso sa ICC laban kay Duterte.
Mismo ang retired police officer na si Arturo Lascanas at self-confessed member ng Davao Death Squad ang tumatayong testigo sa ICC laban sa pangulo.