Advertisers

Advertisers

‘WAG PABIKTIMA SA UNAUTHORIZED ANTI-COVID-19 VACCINE’ – ISKO

P20K - P30K halaga ng bakuna:

0 229

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko, lalo na sa mga residente ng lungsod na huwag maging biktima ng mga nag-aalok ng COVID-19 vaccines kapalit ng napakalaking halaga na umaabot sa P20,000 hanggang P30,000 bawat isa.

Dahil dito ay hinikayat ni Moreno ang publiko na maghintay sa lehitimong anti-coronavirus vaccine na ligtas at certified effective ng regulatory agencies tulad ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).

“Lahat ng nababalitaan nyo dito, kung meron man na nagbabakuna, eh peke ‘yun. Delikado para sa kalusugan ninyo. Baka imbes na gumaling kayo, bumula ang mga bibig nyo ma-tolongges kayo diyan. Di totoo ‘yan. Intayin po natin ‘yung sertipikado at napatunayan ng mga siyentipiko at ahensiya na ligtas at epektibo na bakuna,” giit ni Moreno.



Nagbabala din ang alkalde na ang lahat ng nasa likod ng iligal na pagbabakuna ay aarestuhin, sasampahan ng kaso at hihimas ng rehas kung mapapatunayan.

Hinimok din ni Moreno ang publiko na maghintay sa bakuna na ibibigay ng pambansang pamahalaan na susuplementuhan naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila at tiniyak din ng alkalde na hindi lamang ito ligtas kundi libre pa.

Sinabi pa ni Moreno na sa ilalim ng Local Government Code, ang pamahalaang lungsod ay may obligasyong pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan. (ANDI GARCIA)