Advertisers

Advertisers

2 Nalibing ng buhay sa Leyte

0 221

Advertisers

Patay ang dalawang katao sa naganap na landslide sa Mahaplag, Leyte dahil sa malakas na buhos ng ulang dala ng bagyong Vicky.
Ayon sa ulat, ang mga biktima pawang mga senior citizens.
Nakaligtas naman ang dalawang iba pa nang masagip mula sa nasabing landslide sa Barangay Cuatro de Agosto.
Nagpapatuloy ang retrieval operations ng mga otoridad.
Maliban dito, naitala rin ang pagguho ng lupa sa Sitio Tag-abaca sa Abuyog.
Di madaanan ang isang bahagi ng highway sa Barangay Liberascion sa Mahaplag dahil sa landslide.
Umapaw naman ang tubig sa Panalian River bago mag madaling araw dahilan ng pagbaha sa Panalian Bridge at sa kalsada sa boundary ng Abuyog, Leyte, at Silago, Southern Leyte.
Ayon sa PAGASA, na aasahan ang katamtaman hanggang sa malalakas at minsanang matinding buhos ng ulan sa Visayas region nitong Sabado.
Patuloy na mino-monitor ng mga otoridad ang mga lugar na prone sa pagbaha at landslides.