Advertisers

Advertisers

Magtiyuhin todas sa overtake ng ambulansiya

0 244

Advertisers

Nasawi ang magtiyuhin nang salpukin ng nag-overtake na ambulansiya ang tricycle na sinasakyan ng mga ito sa Tarlac city.
Napag-alaman na walang sakay na pasyente ang ambulansiya nang mangyari ang insidente.
Kinilala ang mga biktima na sina Randy Halili, 32; at Noel Halili, 24, ng Barangay Cut-cut II , Tarlac City.
Sa report, pauwi na mula sa Nueva Ecija ang mga biktima na naghatid nang paninda nang mangyari ang trahediya sa National Highway sa Barangay Laungcupang sa La Paz.
Sa dashcam na nakuha, lumitaw na nag-overtake ang ambulansiya at kinain ang linya ng paparating na tricycle na sinasakyan ng mga biktima at nasalpok.
Sugatan din ang driver ng ambulansiya.
Sinampahan na ng reklamong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver ng ambulansiya.