Advertisers
Arestado ang isang drug suspect sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes sa may bahagi ng Soriano St, Brgy 656, Intramuros, Manila.
Kinilala ang suspek na si Rohamin Surin, 24, tricycle driver, at residente ng Baseco compound sa Port area, Maynila.
Sa report, nasa 500 gramo ng shabu na may market value na P3.4 million ang nakumpiska ng mga operatiba sa suspek
Kasong paglabag sa Sec. 5 Art. II ng RA 9165 ang kakaharapin ni Surin.(Jocelyn Domenden)