Advertisers

Advertisers

SK Chairman, 1 pa sugatan sa road rage

0 269

Advertisers

Sugatan ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman at 18-anyos na estudyante nang barilin sa magkahiwalay na road rage sa bayan ng San Miguel.
Kinilala ang biktima na SK chairman na si John Mico Yamson, ng Brgy.Tigpalas.
Agad namang nadakip ang isa sa apat na salarin na si Karlwyn Juatco Cruz, habang patuloy tinutugis ang mga tumakas na sina Jefferson Juatco, Almarvin Ruben at Kier Wilmer Juatco.
Sa ulat, 3:15 ng madaling araw nitong Huwebes, December 17 kung saan binabaybay ng biktima ang national highway sa Brgy. Salacot nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa mga salarin na lulan sa L300 FB nang mag-overtake sa kanya.
Ayon sa report, pinara ng mga salarin sa tapat ng isang gasoline station ang biktima na nauwi sa suntukan hanggang isa, sa mga ito ang namaril, agad naman naisugod sa ospital si Yamson na nasa ligtas ng kalagayan.
Samantala sugatan rin sa pamamaril ang biktimang si John Vincent Lazaro,18, estudyante at residente ng Brgy. Calumpang habang arestado ang salarin na si Dennis Lising, 35 ng Brgy. Camias.
Sasampahan ang mga nahuling salarin ng kasong frustrated murder. (Thony D. Arcenal)