Advertisers

Advertisers

2 kilabot sa N. Ecija todas sa shootout

0 369

Advertisers

TODAS ang dalawang kilabot na gun-for-hire syndicate nang makipagbarilan sa inilatag na checkpoint sa Barangay Sto. Tomas, Nueva Ecija, Huwebes ng gabi.
Kinilala lamang sa mga alyas “Bong” at “Big Boy” ang dalawang napatay, habang tinutunton pa ng pulisya ang ibang kasapi ng naturang criminal group.
Ayon kay Col. Marvin Joe Saro, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakatanggap sila ng tips na may “masasamang loob” na pumasok sa nasabing lugar kaya agad nagsagawa ng operasyon ang San Jose Police katuwang ang Lupao Police at Provincial Intel Unit ng NEPPO.
Dakong 10:15 ng gabi nang masabat sa checkpoint ang target pero imbes raw na tumalima sa mga pulis ay nagpaputok ng baril, sanhi ng engkuwentro at ikinasawi ng mga ito.
Ang mga nasawi ay nagsasagawa raw ng operasyon sa Nueva Ecija at mga kalapit na lalawigan