Advertisers

Advertisers

Ika-96 Malasakit Center binuksan sa VMMC: Maayos na kalusugan, iregalo ngayong Pasko — Bong Go

0 249

Advertisers

Personal na dinaluhan ni Senate committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-96 Malasakit Center sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City nitong Biyernes.

Ang VMMC ang ikapitong ospital sa Quezon City na nilagyan ng Malasakit Center. Ang iba pa ay ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Novaliches District Hospital, Philippine Children’s Medical Center at Philippine Heart Center.

Ipinaalala ni Go sa kanyang talumpati na mahaba-haba pa ang pakikipaglaban sa COVID-19.



Ngayong Kapaskuhan aniya, ang pinakamagandang regalo para sa mga mahal sa buhay ay ang maayos na kalusugan ng bawat isa.

Kaya naman lubos niyang pinasalamatan ang medical community sa kanilang serbisyo at sakripisyo sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“Sa mga frontliners, doctors, nurses and other health workers, lalo na dito sa Veterans Memorial Medical Center, maraming salamat sa inyong serbisyo sa panahon na ito. Gaya ng mga sundalo, kayo ang pinapadala sa giyera. Kayo ang inaasahan ng bansa sa laban natin sa COVID-19,” ayon kay Go.

Muling tiniyak ng senador na tinututukan niya nang husto ang mga isyu na nakaaapekto sa health workers at sa healthcare system, sabay pangakong patuloy niyang ipinaglalaban ang panukalang batas na magpoprotekta at mabebenepisyo sa kanila.

“Noong naging senador ako, inuna ko ang Salary Standardization 5 para i-increase ‘yung salary ng mga government workers (kasama diyan ang government medical workers). Pinaglaban at naglaan rin tayo ng budget para sa (increase ng) salary-grade ng mga nurses,” ani Go.



“Makakaasa kayo na ipaglalaban ko ang inyong kapakanan….Lapitan niyo kami, lalo na pagdating sa health issues dahil napaka-importante sa akin ang kalusugan ng mga Pilipino,” aniya pa.

Inihayag din niya na palagi ring nakasuporta si Pangulong Rodrigo Duterte na maisaayos ang kapakanan ng military veterans at ng kanilang pamilya na nagsakripisyo sa iba’t ibang paraan ng pagtulong para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“Mahal na mahal ni Pangulo ang mga sundalo. Kakaupo lang niya, nangako siya na i-dodoble niya ang sahod ng mga sundalo at ako ang inutusan niya noon para kausapin ang mga senador. Isa lang ang mensahe niya: kung hindi nila maipapasa, ma-aapprove ang batas, magreresign siya,” ani Go.

“Hindi basta-basta ang trabaho ng isang sundalo. Sila ay mga bayani na nagbubuwis ng buhay. Kaya andito ang inyong ospital. Sana ay makakatulong rin itong Malasakit Center,” idinagdag ng senador.

“Nagpapasalamat kami ni Pangulo Duterte dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon para pagsilbihan kayo. Hindi namin sasayangin ang pagkakataon na ito. Magserserbisyo kami sa inyo sa abot ng aming makakaya,” ang pangako ni Go. (PFT Team)