Advertisers
POSIBLENG hindi na obligadong magsuot ng face shield ang mga siklista o mga nagbibiskleta basta’t siguruhin lamang na hindi sila mapupunta sa matataong lugar.
Ayon sa Department of Health (DOH), kinokonsidera nila na irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan nang walang face shield ang mga nagbibisikleta.
Ito ay dahil karamihan umano sa mga nagbibisikleta ay hindi komportable kapag mayroon pa silang suot na face shield kung saan isa sa dahilan ay lalo anila silang nahihirapan sa paghinga dahil naka-face mask na, ay naka-face shield pa.
Sinabi naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maari naman itong tanggalin ng mga nagbibisikleta kong hindi sila komportable ngunit dapat ring tiyakin na sila mag-isa lamang at malayo sa maraming tao.
Dahil dito, nakatakdang maglabas ang DOH ng joint administrative order para sa magiging guidelines sa paggamit ng face shield. (Jocelyn Domenden)