Advertisers

Advertisers

Pagsasailalim uli ng Metro Manila sa MECQ “fake news” – Sec. Lorenzana

0 210

Advertisers

MARIING pinabulaanan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang usap-usapang isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Sagot ito ni Lorenzana sa pekeng dokumento na nanggaling umano sa PNP na kumakalat sa social media na nagsasabing ibabalik sa mas mahigpit na community quarantine ang National Capital Region.
Pero sinabi ng kalihim, gaya ng naunang anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte, mananatili ang Metro Manila sa General Community Quarantine hanggang sa katapusan ng taon.
Itinanggi rin ni Joint Task Force COVID Shield commander PLt. Gen. Cesar Hawthorne Binag ang mga kumakalat na maling impormasyon.
Ayon kay Binag, tanging ang Inter-Agency Task Force lamang ang maaaring maglabas ng risk classification.
Samantala, sinabi ni Lorenzana na stable raw ang sitwasyon ngayon kaya hindi na kailangan pang ibalik sa MECQ ang Kalakhang Maynila.