Advertisers

Advertisers

4 mangangaso sumambulat sa bomba

0 290

Advertisers

PATAY ang apat sa anim na mangangaso ng baboyramo nang masabugan ng bomba na pinaniniwalaang itinanim ng mga teroristang Dawla Islamiya sa bukirin ng Madalum sa Lanao del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Leo Baloro, 24; Nito Bacayan, 22; Lito Angcap, 22, at Francis Alcaba, 32, mga taga-Barangay Poblacion, Bacolod, Lanao del Norte.
Ang mga nakaligtas naman ay kinilalang sina Christopher Allen, 18; at Anoy Ancap, 58.
Sa ulat, naganap ang pagsabog ng improvised explosive device (IED) na itinanim sa bukid ng mga bandido sa Sitio Bangko, Barangay Tongan-Tongan ng nasabing bayan.
Habang naghahanap ng baboyramo ang anim ay biglang may malakas na pagsabog. At nakita nina Ancap at Allen na nakahandusay na ang apat na kasama kaya’t agad silang humingi ng tulong sa Munia Police Station, mula sa katabing bayan ng Masalum na agad rumesponde sa lugar.