Advertisers
UMAPELA si Interior and Local Government Sec. Eduardo Año sa publiko na huwag idawit ang buong Philippine National Police (PNP) sa kasalanan ng isang pulis Parañaque na nakapatay sa isang nag ina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Año, ang kaso ni Master Sgt. Jonel Nuezca ay isang “unfortunate at isolated incident”.
Dagdag pa ng kalihim, bagama’t may mga isolated na pangyayari ay nananatili pa rin tapat sa tungkulin ang karamihan sa mga pulis.
“The sin of Nuezca is not the sin of the entire Philippine National Police. As we have seen during this pandemic, they place their very lives on the line as frontliners in our COVID response,” sabi pa ng kalihim.
Tiniyak naman ng kalihim na pananagutin ang pulis at sasampahan ito ng kaukulang administratibo at kriminal na kaso upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Inatasan na rin ni Año si PNP Chief Maj. Gen. Debold Sinas na bigyan ng assistance ang pamilya ng biktima.
“We wish to remind all police officers to remain calm at all times, to control their emotions, and to conduct themselves in a manner befitting their position as agents of the law,” payo pa ni Año sa mga pulis. (Jonah Mallari)