Advertisers

Advertisers

3 patay, 7 missing sa landslide sa minahan sa Cebu

0 228

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao, habang pito pa ang nawawala sa landslide na naganap sa mine site sa Toledo City, Cebu.
Ayon sa Cebu Provincial DRRMO, nangyari ang insidente Lunes ng hapon (Dec. 21).
Sa pahayag ng Carmen Copper Corporation, kinumpirma nitong tatlo na ang nasawi sa insidente.
Nangyari ito sa Carmen Pit mine operations site.
Ang pagguho ng lupa ay dahil sa mga naranasang pag-ulan sa nagdaang mga buwan na pinalala pa ng pag-ulan dulot ng bagyong Vicky.