Advertisers

Advertisers

4 patay sa engkwentro sa S. Cotabato

0 198

Advertisers

TODAS ang tatlong bandido sa engkwentro sa Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command ng AFP, isisilbi ng mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion at Polomolok Municipal Police Station ang warrant of arrest para sa kasong murder laban sa isang Tho Catucan sa Purok 1, Barangay Sumbakil. Pero papalapit palang ang mga otoridad ay nagpaputok na ng baril ang suspek at mga kasamahan niya, dahilan para gumanti ang mga otoridad at nasapul si Catucan at dalawa niyang kasama na sina Jer Maguisulan at Rabino Kutin.
Dalawang nagsilbing ‘guide’ ng mga otoridad naman ang tinamaan ng bala. Isa sa kanila ay nasawi, ayon kay Vinluan.(Mark Obleada)