Advertisers

Advertisers

46 pulis kumpirmado drug addict!

0 2,246

Advertisers

UMABOT sa 46 pulis ang mga nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang random drug test.
Ito ay batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) mula Enero hanggang Disyembre 18, 2020.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, sa mga pulis na nagpositibo sa paggamit ng droga, 20 rito ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), kungsaan 5 ay miyembro ng Special Action Force na pawang patrolman. Nagpositibo ang mga ito sa random drug test na ginawa sa training center nitong nakalipas na December 4.
Sumunod sa pinakamarami adik na pulis ang PRO-4A na may walong pulis na nagpositibo, tig-4 sa PRO-7 at PRO 11, tatlo naman sa PRO 4B, 2sa PRO9, tig-isa sa NHQ, PRO-2, PRO-8, PRO-10, at PRO-BAR.
Nadis-armahan na ang mga pulis at umuusad ang mga kasong administrtibo na isinampa laban sa mga ito.
Pinagpapaliwanag ni Sinas ang mga opisyal ng SAF kung bakit limang personnel nito na nasa training ay nagpositibo sa illegal drugs.
Sa ngayon ay balik na sa kanilang mother unit ang limang SAF personnel. Gumugulong na rinang imbestigasyon laban sa mga ito. (Gaynor Bonilla)