Advertisers

Advertisers

Covid update: 247 gumaling; 66 nasawi; 1,314 bagong kaso

0 242

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,314 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Disyembre 22.
Samantala ay mayroon namang naitalang 247 na gumaling at 66 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (24,375) ang aktibong kaso, 92.8% (429,419) na ang gumaling, at 1.95% (9,021) ang namatay.
Kabilang sa top 5 na mga probinsya at siyudad na nakapagtala ng mataas na kaso ng Covid-19 ang Quezon City na may 93 kaso.
Nakapagtala rin ng 89 kaso ang Rizal, 78 sa Benguet, 61 sa Bulacan at 60 sa Davao City.
Dalawang araw na lamang bago mag-Pasko ay muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na bigyang prayoridad ang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards at health protocol. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)