Advertisers

Advertisers

Jeep kargado ng itlog sumalpok sa poste: 3 patay, 1 kritikal

0 263

Advertisers

LAGUNA – Tatlo katao ang nasawi at isa ang nasa kritikal na kalagayan nang sumalpok ang isang jeep na kargado ng itlog sa poste sa bahagi ng national hi-way sa Barangay Real, Calamba City, nitong Martes ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang jeep ay galing sa Batangas. At habang binabagtas nito ang kahabaan ng highway ay nawalan umano ito ng kontrol, dahilan para agawin nito ang kabilang linya ng kalsada at sumalpok sa poste ng Meralco sa bahagi ng Brgy Real.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, nawasak ang harapan ng jeep. Nagkalasog-lasog ang katawan ng tatlong biktima, habang ang isa pang sakay ay mabilis na naisugod sa pagamutan ng mga miyembro ng BFP, Calamba Public Order and Safety Office (POSO), at ng Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO(.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa tatlong nasawi at isang mapalad na nakaligtas.
Naging pahirapan sa mga otoridad ang pag-alis sa mga biktima sa loob ng sasakyan dahil sa matinding pagkakaipit ng mga ito at matabunan pa ng mga nabasag na itlog, kungsaan isa sa mga pasahero ang naputolan ng braso at binti. (Dick Garay)