Advertisers

Advertisers

Kuhang video, pics sa crime scene malaking tulong sa imbestigasyon ng kaso – Malakanyang

0 223

Advertisers

KAMPANTE ang Malakanyang na malaki ang maitutulong sa pagpapabilis ng imbestigasyon ang mga larawan at video na kuha kaugnay sa isang krimen.
Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas sa kaakibat na panganib ng pagkuha ng mga larawan at videos sa crime scene.
Ayon pa kay Roque, mayroon talagang posibilidad na manganib ang buhay ng kumukuha ng larawan pero nariyan umano ang teknolohiya para mapabilis ang paglilitis sa mga lumalabag sa batas.
Saad pa ni Roque, ito rin ang dahilan kung bakit mayroong mga nagsusulong ng pagkakaroon ng body cam ng mga police para makita ang mga nangyayari bago gumamit ng dahas.
Binigyan-diin pa ni Roque na kaya marami ang CCTV sa mga lansangan para makita kung sino ang mga gumagawa ng krimen.
Naniniwala ang kalihim na mas mabuti pa rin kung mayroong video dahil napakadali umanong patunayan ang pananagutan ng pulis na bumaril sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)