Advertisers

Advertisers

Opisyal ng PNP nameke ng RT-PCR test result

0 266

Advertisers

SINAMPAHAN na ng kaso ang isang opisyal ng pulisya na nameke ng kanyang RT-PCR test result nang dumating ito sa Davao mula sa Maynila.
Maliban sa isasampang kaso, posible rin na maaalis sa puwesto ang pulis na nakilalang si Lt. Joy Line Cumbao, isang forensic officer na nadestino sa Philippine National Police – Crime Laboratory Region-11.
Sa ulat, nang dumating sa Davao International Airport ang pulis, sumailalim ito sa inspeksyon at napag-alaman na peke ang RT-PCR nito.
Kinumpirma rin ni PNP Crime Lab 11 director Brig. Gen. Steve Ludan na “falsified” ang ginamit ni Cumbao. Kaya mahaharap ito sa kasong administratibo, grave misconduct at grave dishonesty, at kung mapapatunayan ay posibleng maaalis ito sa serbisyo.
Ayon naman kay City Tourism Officer Generose Tecson, malinaw na nanloko lamang ang police official matapos nilang malaman na may problema sa server ng Camp Crame at hindi ito makapagsagawa ng COVID test.
Una nang sinabi ni Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio na hindi na kailangan gumawa ng mga pekeng RT-PCR test lalo na at libre itong ginagawa pagdating sa Davao airport.