Advertisers
NASABAT ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa Baclayon, Bohol ,Lunes ng hapon.
Kinilala ang mga nahuling may dala ng droga na sina Enrique Calamba Loreniana alyas “Erik”, 28; at Mario Avenido Loquellano Jr., 28-anyos.
Isinagawa ang buy-bust operation ng PDEA Bohol Provincial Office, PNP RPDEU 7 Bohol, Baclayon Police Station, Tagbilaran City Police Station, Bohol Maritime Police Station, PDET-BPPO, at Philippine Coast Guard Bohol sa Purok 5, bahagi ng Barangay Laya, 3:03 ng hapon.
Sa report, dalawang pack ng shabu ang nakuha sa dalawa na may bigat na humigit-kumulang 500 gramo.