Advertisers
TUMAAS pa ang bilang ng kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,196 bagong kaso nitong Miyerkules, Disyembre 23.
Sa kabuuan, umabot na sa 464,004 ang tinatamaan ng naturang sakit sa Pilipinas.
Samantala ay mayroon namang naitalang 564 na gumaling at 27 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (24,984) ang aktibong kaso, 92.7% (429,972) na ang gumaling, at 1.95% (9,048) ang namatay.
Nanatiling nangunguna sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 ngayong araw ang Quezon City na nakapagtala ng 123 kaso.
Sinundan ito ng Rizal na may naitalang 84 kaso. Nasa top 3 naman ang City of Manila na mayroong 74 kaso.
Ang Davao City ay mayroong 54 kaso habang 49 kaso naman ang naitala sa Batangas .
Isang araw na lamang bago mag-Pasko, at muling nagpaalala ang DOH sa publiko na paigtingin ang pag-iingat. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)