Advertisers
SANG-AYON ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na patawan ng parusang kamatayan o death penalty ang mga pulis na makagagawa ng karumal-dumal na krimen o ‘yung mga heinous crimes.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año sa gitna ng samu’t-saring reaksiyon sa pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.
Dagdag pa ni Año, kung sa kasalukuyan ay may parusang kamatayan, gusto nito na parusang kamatayan ang ipataw kay Nuezca.
Giit pa ni Año na karapat-dapat lang na death penalty ang ipataw na parusa sa mga men-in-uniform na siyang makagagawa ng heinous crimes gaya ng pagpatay. (Josephine Patricio)