Advertisers

Advertisers

IMO Chief pinuntirya ang mga charterer ng barko dahil sa “no crew change” deal

0 715

Advertisers

Binalaan ni International Maritime Organization (IMO) Secretary-General Kitack Lim, ang mga charterer’s ng mga international merchant marine vessels dahil sa mga ipinatutupad ng mga ito na “no crew change” deal sa mga seafarers na tapos na ang mga kontrata sa kani-kanilang mga barko.

Sinabi pa ni Lim, sa ipinalabas na press release ng IMO na ang crew change crisis ay banta rin umano sa safety of navigation pahayag pa nito: “No crew change clauses exacerbate the mental and physical fatigue among the exhausted seafarers, undermine compliance with the provisions of the Maritime Labour Convention, 2006 as amended and further threaten the safety of navigation”.

Pagdidiin pa ng Secretary-General na ang “no crew change” deal ng mga charter parties ay magdudulot lamang umano ng hindi magandang sitwasyon sa mga estranded na marino at pagbabalewala din ito sa pagreresolba sa nangyayaring crew change crisis sa iba’t ibang dako ng mundo ngayon nasa kalagitnaan tayo ng covid-19pandemic crisis.



Hiling din nito sa mga ship owners and operators na huwag pahintulutan ang mga ganitong kasunduan sa mga charterer.

Binanggit din niya sa mga miyembro ng world maritime bodies na tuparin ang kanilang mga obligasyon na tulungan ang kanilang mga miyembro, mga industriya lalo na ang mga seafarers na estranded parin hanggang sa ngayon.

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng IMO Seafarer Crisis Action Team sa nabanggit na isyu mula pa noong mga nakaraang linggo. (Jose “Koi” Laura)