Advertisers

Advertisers

Pulis binaril habang kasabay ang mayor sa jogging

0 252

Advertisers

PATAY ang intelligence officer ng Pontevedra Municipal Police Station nang barilin habang nagdya-jogging kasama ang akalde sa Reclamation Area, Barangay 1, Pontevedra, Negros Occidental, Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Ildefonso Casugod, residente ng nasabing bayan.
Sa ulat, 6:00 ng umaga naganap ang krimen.
Ayon sa pulisya, tanging si Casugod ang target ng salarin.
Ayon kay Pontevedra Mayor Jose Maria Alonso, mga lima hanggang sampung metro lang ang layo nila ni Casugod nang mangyari ang pa-mamaril.
Aniya, palagi siyang nagdya-jogging sa reclamation area sa likod lamang ng municipal hall tuwing umaga at palagi nitong nakakasabay si Casugod.
Dagdag pa ng alkalde, naglalakad lang ang salarin na nakasuot ng kulay asul na jacket na mayroong hood at face mask nang putukan nito sa ulo ang pulis. Tumakas ang gunman sakay ng kanyang motorsiklo.
Patuloy pa ang imbestiga-syon ng pulisya sa insidente.