Advertisers

Advertisers

Xander Ford kulong sa pang-aabuso sa dating dyowa

0 319

Advertisers

INARESTO si internet celebrity “Xander Ford” (Marlou Arizala ang tunay na pangalan) dahil sa kasong pang-aabuso na isinampa ng dating kasintahan.
Ayon kay Lt. Col. Magno Gallora, Jr., hepe ng Moriones, Tondo PoliceStation 2 ng MPD, 8:30 ng gabi nang arestuhin si Ford sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, na ayon kay Gallora ay maaaring magpiyansa si Ford ng P18,000.
Sinabi ni Ford na akala niya ay nagkaayos na sila ng kanyang ex-girlfriend matapos mag-usap.
Kasalukuyang nakadetine si Ford sa Manila Police District (MPD) Station 2.
Humingi na ng paumanhin ang social media personality sa kanyang dating nobya na nagsampa ng reklamo laban sa kanya.
Ayon kay Ford, hindi niya sinasaktang pisikal ang dating kasintahan dahil malaki ang pagmamahal niya rito.
Nakiusap din ito na iurong na ang kaso dahil tanging siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya lalo’t palapit na ang Pasko.
Tiniyak naman ng management ni Ford na sasagutin ang P18,000 piyansa para sa kaso.