Advertisers

Advertisers

Magnitude 6.3 na lindol, niyanig ang Calatagan, Batangas sa araw ng Pasko

0 287

Advertisers

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bayan ng Calatagan sa Batangas nitong araw ng Pasko.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs), alas-7:43 nitong umaga nang maitala ang pagyanig. “Tectonic” daw ang origin ng lindol, at may lalim na 74-kilometers.
Sinabi ni Phivolcs director Dr. Renato Solidum na sa kabila ng malakas na pagyanig ay walang aasahan na banta ng tsunami ang coastal areas ng lugar. Pero asahan daw na makakaramdam ng aftershocks ang ilan pang karatig na lugar kasunod ng pagyanig.
Bukod sa mga bayan sa Batangas, naramdaman din ang lindol sa Cavite, Quezon, Laguna, Metro Manila, at ilang lugar sa Central Luzon.
Sa report ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Lemery, at Malvar, Batangas; San Pedro, Laguna; City of Manila; Marikina City; Quezon City; Cainta at Antipolo City, Rizal; at Pasig City.
Naramdaman naman ang Intensity III sa Caloocan City; Tanay, Rizal; San Jose Del Monte City, at Plaridel, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; Cabangan at Iba, Zambales; Samal, Bataan; Valenzuela City; at Malabon City.
Habang Intensity II sa San Isidro, Nueva Ecija; at Alaminos City, Pangasinan.
Nakapagtala na ang Phivolcs ng limang mahihinang aftershocks matapos ang lindol.
Nai-report ang magnitude 3.2 na aftershock dakong 7:53am, 8:09am at 9:06am; magnitude-3.0 na aftershock naman dakong 7:57am.
Magkasunod naman ang magnitude 2.0 at 2.4 na aftershock na nai-report nang 8:29 at 8:49am.
Samantalang, magnitude 1.6 at 1.5 nitong 9:08am at 9:13am.