Advertisers
Naaresto sa entrapment operation ang isang nurse na aborsiyonista sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa ulat, dati nang naaresto ang suspek sa katulad na kaso.
Sa report, nakuha sa suspek ang isang set dextrose, gamot na karaniwang ginagamit na pampalaglag, at iba pang kasangkapan.
Nabawi rin sa suspek ang P10,000 na ginamit na pera sa isinagawang entrapment operation.
Pero giit ng suspek, wala namang nangyaring abortion nang arestuhn siya.
Inamin naman niya na dati na siyang naaresto noong 2016 dahil din sa reklamong abortion pero nabasura ang kaso.
Mahaharap sa kaukulang reklamo ang suspek.