Advertisers
Nasabat ang P34.6 milyong shabu sa naarestong suspek na nasa drug watchlist sa ikinasang buy-bust sa Caloocan City, batay kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas.
Kinilala ang suspek na si Uriel Hewe Jr., 31, isang Transport Network Vehicle Services (TNVS).
“The anti-illegal drugs campaign will spare no one, holiday or no holiday,” saad ni Sinas.
Nakita sa record na si Hewe ay nakalista sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watchlist.
Narekober din sa kanya ang ice plastic bag ng shabu, limang large vacuum-sealed transparent plastic bags ng shabu, 3 foil wrappers Chinese tea bag labels, at Cal. .45 ARMSCOR pistol na may serial no. 1264262. (Gaynor Bonilla)